Wednesday, 26 January 2011

Kwek Kwek

Kwek kwek is made of boiled egg covered with crunchy red stuff. Kwek kwek has lots of variation. It could be made of balut (duck egg), penoy (egg with chicken embryo but did not turn to chicken) or quail egg. Forget the nutrional value and satisfy your hunger.

Here is my recipe:

1 cup wheat flour (not corn flour or any other else)
1/2 cup water
1 fresh egg
salt and pepper 
pinch of red food color powder (available in Spinneys) - you can cook without this but if you want to look them tempting, then add it.
1 teaspoon baking powder (available in Spinneys)
8 boiled eggs 
cooking oil

Steps:

1. Boil 8 eggs. Set aside.
2. Mix flour, fresh egg, baking powder, and water.
3. Add salt and pepper according to taste.
4. Pour a small pinch of red food color. 
5. Mix well.
6. Add 8 boiled eggs to the mixture. 
7.Cover the eggs with the mixture.
8. In a frying pan with hot cooking oil, put eggs one by one.
9. Cook until mixture is crunchy.

Best served with vinegar, garlic, chili and salt mixture.

Kain na, kabayan!

Fried Chicken - Max's Style

1. Pakuluan mo ang 8 pirasong hita at samahan mo ng 2 hiniwang maliliit na sibuyas, 2 tinadtad na bawang, at durog na paminta at asin. Dapat marami nitong mga spices para manoot ito sa manok. Kung meron kang Rosemary herb, samahan mo na rin pero pwedeng wala.


2. Kapag malambot na ang manok, ihango mo sila at ilagay sa freezer ng 2 oras.


3. Paglipas ng 2 oras, magpainit ka ng mantika para mag “deep fry”.


4. Kapag medyo kumukulo na ang mantika, ilagay mo na ang mga hita at hintaying maging brown at crispy ang balat.


5. Samahan mo ng kanin at Jufran banana ketchup.


Enjoy!

Pinakbet

Kanina ay nagluto ako ng pinakbet. Nagustuhan namin misis at ni panganay.


Heto ang sangkap:


1  Sari-saring gulay – kalabasa, talong, okra, ampalaya (may nabibili na naka-bundle na)
1  sibuyas, hiniwa
1 bawang, pinitpit at hiniwa ng maliliit
2 kamatis, hiniwa
1/2 kilong baboy panggisa. Malaki ako mag-slice ng baboy. Depende sa inyo ito.
1 kutsaritang luya, pinitpit
mantika
tubig
1 kutsaritang Barrio Fiesta Ginisang Bagoong (Sauteed Shrimp Paste). Kung wala, patis na lang


Paraan:
1. Maghugas ng kamay. :-)
2. Iprito ang baboy sa mainit na mantika. Habang piniprito lagyan ito ng asin at pamintang durog para maglasa. Hintayin hanggang magkulay brown ito. Ihain pagkatapos.
3.  Sa parehong kawali, igisa ang bawang, sibuyas. Isunod ang kamatis, luya at bagoong.  Igisa ng 5 minuto. Isunod ihalo ang pritong baboy.
4.  Lagyan ng 2 tasang tubig at hayaang kumulo ng 5 minuto.
5. Timplahan ng asin, pamintang durog, at patis ng naaayon sa inyong panlasa.
6. Pakuluan uli ng 5 minuto para lumabas ang mabangong amoy.
7. Ilagay na ang mga sangkap na gulay at hayaan itong maluto pero huwag i-overcook.


Kain na!

Pagkaing Pinoy

Kung ikaw ay isang Pinoy na nakatira o nagtratrabaho sa ibang bansa, malimit kang makakakain ng mga paborito mong pagkain. Mga pagkaing niluto ng nanay mo, pagkaing nabibili sa karinderya o sa bangketa ay minsan lang makain at kung kakain ka sa isang Pinoy restoran, ang mahal ng presyo!


Kaya naman naisipan kong gumawa ng website para i-share sa mga kababayan nating nasa abroad ang mga pagkaing lasang Pinoy at ang mga sangkap ay mabibili kahit saan.


Halika. Pasok kayo!